Home ¤ Profile ¤ Photos ¤ Faves ¤ Archives ¤ Content ¤ Links ¤ Friends
regina. now a 5th year student at UP. loves the UP Manila Chorale. loves drawing, doodling, singing and cravings. ^^,




down in the dumps
posted by radishpotpot on January 9, 2012 at 12:08 AM
Category [ mainit n ang pnhon ]
its free to dream

Figuratively so. I'm so sad, lonely and frustrated. After things that happened during my supposedly fun and guilt-free break. But then those things are in the past now. 

 

Remarkably the good Lord has blessed me so much and after hearing mass and talking my frustrations out with Manang, I can't help but be relieved and happy. woot!

 

 






si manong
posted by radishpotpot on August 2, 2011 at 01:47 AM
Category [ dramahan, rained in ]
its free to dream

tuwing dumadaan ako sa nakpil ng gabi, may manong na may kariton ng mga binebenta na nakatambay sa ilalim ng poste ng ilaw. doon lang siya, sarado yung tindahan, may malaking payong walang upuan.

 

ang lakas ng ulan kanina, di man lang siya maka-upo sa ground.

 

ang sakit makita si manong. tapos yun mga mabababaw kong problema walang ikukumpara sa kanya. ((((

 

ako konting pagod iniinda ko na, paano pa siyang walang maupuan man lang.

 

Lord, tulungan niyo po sana siya. Please keep him safe and comfortable, no matter how hard that could be in his situation.


Currently feeling: saddened





you should've seen
posted by radishpotpot on July 27, 2011 at 04:52 PM
Category [ dramahan, rained in ]
its free to dream

me yesterday. So pissed off, I can't talk, can't enjoy the book I was reading. Can't anything till I was able to tell someone about.

Some people are jsut plain insensitive to things they probably don't understand, because their brains are the size of nuts. yes I do hate what you did with fervor, something about making people feel bad is something you're very good at huh?

Anyway I did not confront him in his face. I know he won't take it, and I would love to see him get a dose of his own medicine as a third party, I do not want anything to do with him so I just reply minimally and let him go on spreading his wrath. And lo, he had the nerve to tell someone else who then told me what to do. You are not the boss of me! Butt in person you!

Let's start from the beginning. We have no rehearsals for the whole month including this week. So I volunteered singing at church today, wednesday at the 6pm mass. And lo' insensitive person called for a rehearsal today, yesterday for something to sing at tomorrow. Then, because I have confirmed somewhere else I, in a very civil way told him that I won't be able to rehearse because I have to sing in church which was not a problem because I won't be able to make it on thursday, the gig day because of chorale-related errands.

And then he told me he understood my chorale-related errands, but what is church? (translated from filipino: Ano ung church? (verbatim))

I was thinking: WTH?!

and then he said FYI what ever happened to university functions being top priority.

As I have said, I confirmed Sunday, before the invitation. Did it ever occur to him that we were NOT supposed to have anything for 1 month?? Are we not allowed to schedule things during the break. And FYI your face, the univ function is thursday and NOT wednesday, the day I sing at church.

And so he said tsk tsk tsk..

I had such a STRONG urge to retort. But no, the best of me told me not to. He's nothing but a lowly earthling who does not know church.

BUT here's the catch. He texted butt in person who told me to go to rehearsal. WTH! Who are you to tell what to do? Do you even know the whole story, the reason? So then I told him, being the understanding person I wish I wasn't. Then he said to tell person number 1 that I won't be able to sing. WHICH I DID! and so I told butt in person, yes I have told him, he said he understood.

PERIOD.

If I wasn't considerate I would have given him something to think about for a very long time. I'm so determined not to have anything to do with him FOREVER. If there was a way not to ever need to speak to him I would.


Mind you, this is not the first time he talked to me that way, sometimes its even much worse.

Anyway, in time, I hope you meet someone who is going to make you feel so bad you insensitive insecure bastard you!

hohoho. finally let go of this anger. lets hope its a long time before he tries to talk this way again.

 


Currently feeling: relieved





I'm not going. You're not staying. Our love knows no separation.
posted by radishpotpot on July 25, 2011 at 09:30 PM
Category [ rained in ]
its free to dream

Unang-una, yung kinatatamaran kong aralin na exam, nalipat. magiging next weekend na. kaya, yehey. *relief* na di ko na kailangan mag-advance. kaya bukas makaka-uwi ako.

yung corridor kanina amoy adobo ang sarap. kaya sabi ko kay mama palutuan ako ng adobo bukas pag-uwi ko sa kanila.

nakaalis na pala siya. as if naman mababasa niya ito in a gazillion years. kaya ayun pinabaunan ko ng mga panyo at boxers. kasi alam kong di siya magdadala ng sapat.isang twalya at isang jacket. *sweet naman* nagulat ako sa sarili kong masaya pa ako kahit paalis siya indefinitely at baka di kami magkita for years.

siguro kasi pag malayo siya, may excuse na akong isipin na ok lang di kami gaanong mag-usap. ok lang kahit hating-gabi lang uli kami mag-usap o magkita. oo, creatures of the night yung drama namin dati. tuwing gabi lang kami nagkikita madalas.

bilang na bilang yun mga araw na maaga kaming nagkita. ay di naman pala bilang. pero lately bilang na. hoho.

mamimiss ko yun, kasi isa siya sa mga taong nagpasaya sa akin, pinalakas loob ko at sa kanya ok lang maging ako, walang paki-alam kung anong isipin niya kasi tanggap niya ako kung ano man ako. alam niya lahat ng kakulangan ko, di ako nahihiyang maging ako, walang pressure maging miss perfect or miss sobrang bait na usual kong self. sobrang effort kasi maging miss mabait all the time. minsan nakakapagod. e pag siya, ok lang na mapagod ako at maging masungit o kung ano mang ugaling nararamdaman ko.

hohoho. lumayo man, sana walang magbago.

taking comfort in knowing that somewhere out there, there is someone who lets me be myself and still accepts me for who I am, whatever I may be, whatever I may have been.


Currently feeling: happy





lumbay
posted by radishpotpot on July 22, 2011 at 02:58 PM
Category [ dramahan, mainit n ang pnhon ]
its free to dream

Halos na lang ata ng naisusulat ko dito, malungkot. Paalis na siya ngayong araw na ito. Hindi pa alam kailan ang balik. At ako naman, di ko man lang maihatid. May ginawa na lang akong iba para di ko maisip yun pagtapos niyang dumaan sa dorm para magpaalam. Nag home improvement 101 ako sa dorm. Buti nang ma-obsess sa pag ayos ng room sa dorm kesa kumain na naman ng sandamukal.


Kaya ayan, bumili ako gn folder organizer, bagong lightbulb, mga hooks, at bag hanger. Ngayon ginagawa na Manong Maintenace yung ilaw sa kabilang dulo ng kwarto para maging maliwanag na. yehey!! tsaka mamaya pagtapos kong pumunta sa filpride, magrerearrange naman kami ni Cemae ng aming room, para malayo na ang tables from quietness sisters at kama na lang namin ang tabi nilang mag-aral. Kami naman ni Ce, enjoy magchikahan habang nag-aaral. Yehey!!


Tapos ipapalagay ko na din kay Manong Maintenance ang aking bag rack/ sabitan ng maduming damit sa likod ng pinto. kasi doon na lang naman pwedeng maglagay ng bag rack e. Yehey nanaman!


At susubukan ko munang di kumain o matakam hanggang 5pm. Dahil mamayang 5pm, maglulunch/dinner ako ng tuna sushi sa rob. yehey!!

 

pansin ko, lahat ng paragraph ko yehey ang ending. sana masaya na lang talaga ako ngayon. hohoho. yehey


Currently feeling: crushed





nagmamadali
posted by radishpotpot on July 22, 2011 at 10:53 AM
Category [ mainit n ang pnhon, may pasok nanaman ]
its free to dream

mga 5am na ako nakatulog kagabi. potpot iregular sleeping patterns nanaman ang abot ko nito. kaya ayan, nagising ng 9, di makabangon. kaya kakaligo ko pa lang. at 1130 class ko, 1055 na. abot pa naman kaso gusto ko sanang kumain. jujuju.


---


mauubos na yung pera ko. haha. kakanood ng cinemalaya at kakataxi papunta at pauwi galing ccp. natatakot kasi akong magjeep ng gabi. lalabas ata kami mamaya nina kit at sam. finally. makakausap ko nanaman sila! since nagtransfer sila sa upd, minsan na lang kaming magkita ng 3 kami. yehey. ^^


Currently feeling: hungry





ice cream
posted by radishpotpot on July 22, 2011 at 03:54 AM
Category [ dramahan ]
its free to dream

buti pa yung ice cream pag natunaw na wala na. bakit tayo, kahit natutunaw na sa kahihiyan, sa kamalian, pag tapos non, andito pa din tayo, walng nagbago. tuloy-tuloy na naghihirap, nag aalsa ang kalooban. nalulunod sa dagat ng kamaliang tayo din naman pumili. kaya siguro sinabing nalulunod sa isang basong tubig.


may mali akong ginagawa. pero tinutuloy ko lang. sinasabi ko na lang,titigil din ako. this week. next week di ko na gagawin. ang daming mali. ang dami.

 

--


at oo, siguro nag-ugat lang ito sa isang tao. isang taong di ko na nakikita o naririnig. na tuluyan na ata akong nalimutan pero di ko matanggal sa aking isipan. isang taong napaniwala ako sa napakadaming bagay. na tinulungan ako. pero nilugmok ako sa kalungkutan. kung asan ka man. oo iniisip pa rin kita. pero pagtapos kong gumawa ng mga bagay na limutin ka. pagtapos kong magsipag mag-aral kahit ayoko para di ka maisip. pagtapos kong manood ng mga pelikula para malungkot ako. pagtapos kong kumain ng sandamakmak. alam ko mawawala ka din sa isip ko. matitigil na yung kahibangan ko.nakakainis, ang galing kong maglihim at magkunwari.


love is unbound.






nagbabalik-loob
posted by radishpotpot on July 22, 2011 at 03:48 AM
Category [ dramahan ]
its free to dream

Nahihirapan ang kalooban ko ngayon. Itong lingoong ito, nagpasya akong pagbigyan ang sarili ko. pagbigyang huminga at maging masaya ng onti pagkatapos kong mag-aral ng mabuti nung nakaraang linggo. Sa totoo lang, hindi ako sanay magsipag mag-aral. Akala siguro ng ibang tao, ang sipag ko mag-aral, ang totoo, di naman ako nagsisipag pag nag-aaral. Nag-aaral lang pero hindi advanced, madalas cram pa. Pero ngayon, iba na ata yung determinasyon ko. Nagulat din ako sa sarili kong ang sipag kong mag-aral. kakaiba.

Ayan tuloy, ang sama ng pakiramdam ko. parang nilagnat ba. biglang bumaba yung energy ko sa paggawa ng mga bagay. ang tanging nagtutulak na gumalaw ako sa mga aralin e dahil manonood ako ng Cinemalaya. na dati ko pa namang balak. tamad lang.


Kakaiba talaga yung mga pelikula ng Cinemalaya. Ibang iba yung mga kwento, hindi kasi sila pang-masa na alam mong matutuwa ka dapat sa kinalabasan. Mas pinag-iisip ka. Totoo yung mga tao, hindi masyadong perfect, parang tayo lang. May problema din, mas mabibigat pa.

 

Ang kakaibahan ng mga indie films para sa akin ay pinapalabas nila yung mga bagay na ayaw harapin ng mga tao. pero nandyan na sa harap nila. Ayaw na nilang maalala pa, e bakit pa nga naman nila gustong panuorin ang mga pelikulang ito din yung tema. naalala lang nila yung mga problema nilang di nila mabigyan ng solusyon. Ako pinapanuod ko yung mga ganitong pelikula kasi namamangha ako sa mga kwentong kakaiba, na di ko naiisip na pwedeng mang-yari, miski tungkol sa kahirapan o kung saan mang bagay. Kahit man hindi nila dinederetso, pag napag-isipan mo, maiisip mo oo nga pala, wow, ang galing naisip nila iyon.


Habang nanonood lalo ko tuloy naisip kung gaano ako kakaiba mula sa ibang tao.


1. naiinis ako sa mga taong required manood. ewan ko kung naiisip ito ng ibang tao, pero ayaw na ayaw kong nirerequire sa mga ayoko namang gawin. pero kung gusto ko ito at may mga taong andun na required lang, e wag nyo namang ipangalandakan na ayaw niyo talagang manood at sayang lang pera. nakakainis lang na iyong bagay na espesyal sa iyo, binabasura lang. ui, kasabihan pala yun, kaya siguro dapat tanggapin na lang.


2. kaya ko palang manood mag-isa. lagi akong naweweirdohan sa mga nanonood mag-isa, yun pala mas masarap talagang manood mag-isa. mas naiintindihan mo, di mo kailangan itago reaksyon mo sa mga nangyayri, wala naman nakakakilala sa iyo e.


3. emo na ata ako. may mga ibang eksena lahat na tumatawa ako nalulungkot. ewan, yun yung automatic na naiisip ko sa ngayon, yung kalungkutang nangyayari. dati naman mababaw akong tao, ngayon napapadalas na akong nag-iisip ng malalim. mas komplikado tuloy.


4. ang dali kong magulat. sa lahat ng mga nangyayari sa pelikula, napapagtanto ko naman ang mga pwdeng mangyari pero lagi pa rin akong nagugulat. kaya siguro tuwang-tuwa ako sa mga pelikulang ito. kakaiba. nabubusog imahinasyon ko.


5. nanood ako para malungkot. oo, treat ko sa sarili ko. pero nanood ako para mapakain yung lungkot na nararamdaman ko. drama nanaman. pero may mga ginagawa kasi akong mali. na tinutuloy-tuloy ko lang. ang daling sabihin na may mali, di ko naman mapaliwanag. di bale iipon muna ako ng lakas ng loob. pero ayan, mission accomplished nalungkot nga ako, lalo na sa Chassis at Ligo na U Lapit na Me.

 

ang sarap maging ako ng walang nakakakita. sa sarili ko lang ako nahihiya. oo nahihiya pa din ako minsang magreact. uptight kumbaga. sobrang stiff. takot mapahiya, magmukhang tanga.buti nga nakanood ako mag-isa e, baka ito na yung simula. baka minsan, isa sa mga susunod na araw, umayos na muli. tignan natin.


Currently feeling: contemplative





Its Okay
posted by radishpotpot on April 25, 2010 at 01:02 AM
Category [ mainit n ang pnhon, ..random.. ]
its free to dream

The only two words we usually answer the questions we are asked. Its okay, even though sometimes its not anymore. But I find that I more often  use these words to comfort myself in times that no one can be talked to. Somehow it is true- that everything will be okay, because the Lord would never let us suffer in vain.


Currently feeling: awake





« Newer · »